Joint Task Group Cebu
24/05/2026
TALK TO TROOPS 🫡🇵🇭 | Kasunod ng kanyang pulong kasama ang mga lokal na opisyal ng Negros Occidental, ipinaabot ni DND Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. ang kanyang pasasalamat at suporta sa hanay ng kasundaluhan ng 79th Infantry Battalion sa Sagay City at 15th Infantry Battalion sa Cauayan, Negros Occidental nitong Sabado, May 23, 2026.
Sa nasabing pagbisita, kinilala ni Secretary Teodoro ang dedikasyon ng mga sundalo sa ilalim ng Visayas Command (VISCOM) ng Armed Forces of the Philippines sa pagtugon sa mga hamon sa seguridad at kaligtasan ng mga komunidad sa Negros Occidental, kasunod ng magkahiwalay na operasyon ng militar laban sa mga armadong komunista sa Toboso at Cauayan sa nasabing probinsya.
“Kaya sa ganang akin, gawin niyo lang ang trabaho niyo at lalabanan namin itong mga disinformation na ito,” ani ng Kalihim.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cebu City
6000