Khp-CAMAREROS
30/04/2025
Sali na po kayo! 🙏
Tara na makiisa para sa Malinis, Tapat, at Mapayapang Halalan 2025 💪🤝💗
19/04/2025
19/04/2025
12/04/2025
Talaktadaan ng mga gawain ngayong Semana Santa 2025
30/03/2025
Ika-apat na Linggo ng Kuwaresma
Ika-apat na Linggo ng Kuwaresma | Marso 30
Ipinagdiriwang natin ngayon ang linggo ng “Laetare” na mula sa wikang latin na ang ibig sabihi’y “magalak”. Inaanyayahan tayo ng ating mga pagbasa na magalak sapagkat tapat ang Diyos sa kanyang pangako at siya ay ang Amang naghihintay sa ating pagbabalik, sa ikalawang pagbasa ipinapaalala sa atin ni San Pablo na sa pamamagitan ni Kristo ibinilang tayo ng Diyos bilang kaibigan—‘di na kaaway— at hinirang niya tayo upang ipagpanumbalik sa kanya ang mga tao.
23/03/2025
Ika-3 Linggo ng Kuwaresma | Marso 23
Ipinapaalala ng Panginoon ang kahalagahan ng pagsisisi, pagbabagong buhay, at pakikinig sa kanya. Ipinakita ng Diyos ang kanyang kaluwalhatian sa mga sinaunang Israelita sa pamamagitan ni Moises; una, sa nagliliyab na punong-kahoy at kalauna’y sa pagpapalaya niya sa kanila mula sa Egipto, sa kabila ng lahat ng ito pinili pa rin nilang suwayin si Yaweh, kung tunay tayong nagsisisi at nagnanais na lumago sa pananampalataya, mananatili tayong tapat sa kanya.
09/03/2025
PAANYAYA PO SA LAHAT!
09/03/2025
Unang Linggo ng Kuwaresma | Marso 9
Ipinapaalala sa atin ngayong linggo ang buhay ay isang tuwinang pakikipagtunggali laban sa
demonyo,makahahango tayo ng lakas sa pagtatagumpay ni Hesus sa lahat ng tukso upang tanggihan natin ang anumang pakikipagkasundo sa demonyo. Ipanalangin natin ang isa’t isa, ang ating pamilya at komunidad upang mapagtagumpayan ang mga tukso, ipaubaya natin ang lahat sa Diyos na siyang lakas at sandigan natin ang ating bawat hinaing, suliranin at mga kahinaan natin.
08/03/2025
Daan ng Krus sa San Marino Square at
Gitna Chapel
Marso 7 2025
PAANYAYA | Isasagawa natin ang Istasyon ng Krus sa komunidad ng SMS at Gitna Chapel Inaanyayahan ang lahat na makiisa. Magtitipon muna sa Ating Parokya sa ganap na ika-3 ng hapon bago ang simula. Ang Istasyon ng Krus ay magsisimula sa ganap na ika-4 ng hapon at susundan ng Banal na Misa pagkatapos ng Istasyon ng Krus.
Bilang pakikibahagi sa pagpasan ng krus ni Kristo ay hinihikayat ang lahat na makiisa sa aktibidad na ito.
PAALALA, ngayong Biyernes at sa mga susunod pang Biyernes ng Kuwaresma ay araw ng ABSTINENSYA, 'wag kumain ng karne.
MANALANGIN. MANGILIN. MAGKAWANGGAWA.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Cavite
4114