JChic Flores Storyverse

JChic Flores Storyverse

Share

20/04/2026

Lumayo ako - iniwan ang init ng iyong yakap, ang mundong ikaw ang sentro,
pinili ang liwanag na mas katanggap-tanggap sa mata ng iba, ang araw na hindi kailanman sumikat para sa akin.

Ngunit bakit… sa bawat hakbang na inilalayo ako sa’yo, lalo kong nararamdaman ang dilim na kumakain sa katotohanan?
Parang ako’y nahuhulog - hindi sa bangin,
kundi sa sarili kong pagtataksil.

Siya’y tumatawa, buo, payapa. At ako - isang bituing pilit pinapatay ang sariling ningning, natutong maglihim ng liwanag para lamang hindi mapansin.

At sa bawat “okay lang ako” na pilit kong binubuo,
may bitak, may lamat, may sigaw na hindi marinig -
dahil ikaw… ikaw ang sugat na hindi ko magawang takasan, ang liwanag na kahit iniwan ko,
ako pa rin ang tuluyang nawala.

✍️

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Mockingbird
Cavite