Kahilom
Malinaw sa akin na hindi ako katulad ng maraming babae. Kung hindi kailangan, nais kong mamuhay sa simpleng katayuan, ngunit sa minsang pagdalaw ng kaartehan ay maglalagay ng kolorete sa mukha, at magsusuot ng bistidang sabi ni Mama ay bagay sa akin. Hindi sa pagmamayabang, naranasan kong itangi ng iilang sabihin na natin ay kaibigan kaya sa nalalapit na Araw ng mga Puso, ay isusulat ko ito, letra bawat letra, puso sa puso.
Ang mga bulaklak at tsokolate sa naturang araw ay mauubos, at malalanta pero ang mga sulat ng iilan ay natabi pa. Nangingiti ako ngayon kung malalaman niyo lamang, taglay ng mga bawat katagang naisulat ang mga damdaming minsan ay naligaw para sa akin. May isang nahanap ang totoong tangi matapos niyang hindi matagpuan sa akin, at sa ilan pang nakita ito matapos kong hindi suklian, ay buong puso akong nagagalak, kahit nasaktan sila, dahil kahit naiilang ako sa titig, naiyak pa minsan sa kaba at tuwa, ay naisip at naramdaman kong katangi-tangi ako.
Ngunit hindi ko kaibigan si kupido, nahulog sa maling tao. Sa disperas ng Araw ng mga Puso, naisipang paluhain ang munti kong puso. Kung babalikan, marahil gusto ko pa ring gawin niya iyon sa akin. Kaya naman sa araw ng mga puso, lumuha sa bus sa papuntang eskwelahan, niyakap ng matalik na kaibigan, nag-aral sa silid-aklatan, binigyan ng tsokolate ng hindi kakilala, at higit sa lahat nakatakas mula sa malupit na pagmamahal. Sinalba ako sa araw na iyon, sa panibagong araw ng pangamba, ng takot at kaba, at sa kawangis ni papa. Masakit, pero doon ko naramdaman ang totoong buhay dahil hindi pala lahat ng pangako noong mga araw ng padama ay magigiging totoo. Nakita ko na hindi pala ganoon dapat ang mukha ng pag-ibig, hindi sa lahat ng oras ay magpapatawad, at magbibigay ng isa pa, dahil sa paulit-ulit na pagpili sa kanya, ay walang natira para sa akin. Hindi kailanman nakakaubos dapat ang magmahal. Alam ko na hindi sa lahat ng oras ay maganda, matapang ang mga pulang bandila, at marahil kahit alay niyang nakasayanan, ay kailanman hindi tutumbas sa nanlalamig kong kalamanan sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang isasagot kong "hindi".
Kaya ngayon, piliin natin ang sarili natin. Maligayang Araw ng mga Puso, kahit sa iyong walang puso.
03/06/2022
Kaya pala hugis puso rin ang dalawang tainga kapag naipagdikit, dahil nakikinig tayo sa mga tunog ng may puso β£οΈ
?
β
Ron Canimo
roncanimoph
***
tiktok.com/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Cavite, 4109
you're going to make it trust me.
San Antonio Boulevard
Cavite
HELLO MOOTS!! READ MY AU STORIES HERE IN MY PAGE THANKYOU(β ^O^β )
Cavite
KAHIT ANONG GAWIN MO MAY MGA TAONG HUHUSGA'T HUHUSGA PARIN SAYO^.^ OPEN YOUR EYES THEN YOU'LL SEE HOW TOXIC AND CRUEL THE WORLD IS^.^
Cavite
Making contents in different arts of storytelling. Official announcements page & so on.
Cavite
Hi! Updates, announcements and discussions about Oaxygenknight's stories will be posted here!
Cavite, 4102
Imaginative story. A fiction. The author uses imagination to create characters and invent scenes to
Cavite
People like me and you, we're different. We're original thinkers; we don't need to be validated as lo