DepEd Looc Elementary School
06/07/2026
Isang makabuluhang yugto ang nasaksihan sa ating paaralan sa isinagawang Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na SPTA Officers.
Ang panunumpa ay sumisimbolo sa kanilang taos-pusong pagtanggap sa tungkulin at pananagutan na magsilbi sa kapakanan ng ating mga mag-aaral, mga magulang, at ng buong komunidad ng paaralan.
Lubos ang aming pagbati sa lahat ng mga bagong halal na opisyal. Nawa’y maging gabay ninyo ang integridad, dedikasyon, at diwa ng pagkakaisa sa pagtupad ng inyong mga tungkulin. Sama-sama nating isulong ang mga programang makatutulong sa pag-unlad ng ating paaralan at sa tagumpay ng bawat mag-aaral.
Congratulations, SPTA Officers! 🎉
Para sa bata, para sa paaralan, sama-sama tayong maglilingkod. 💙💛
06/07/2026
Ngayong umaga, matagumpay na nakiisa ang ating paaralan sa Simultaneous Flag-Raising Ceremony bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award.
Sa pamamagitan ng sabayang pagtataas ng watawat, ipinakita ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ang kanilang pagmamahal sa bayan, paggalang sa ating pambansang simbolo, at pagkakaisa bilang mga Pilipino.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay-pugay sa mahalagang pagdiriwang na ito. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagiging makabayan at responsableng mamamayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Looc
Cardona
1950