DPWH Region IV-A
05/06/2026
πππππππ: Nakibahagi ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office at Regional Office IV-A sa Brigada Eskwela 2026 na ginanap sa Mayapa Elementary School, Barangay Mayapa, Calamba City, Laguna, bilang suporta sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Namahagi ang tanggapan ng pintura at 350 set ng school supply kits para sa mga mag-aaral ng kindergarten bilang dagdag na tulong sa kanilang paghahanda para sa darating na pasukan. Nakiisa rin ang mga kawani ng DPWH sa pagpipintura ng mga silid-aralan upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Nakiisa sa nasabing programa sina Usec. Lara Marisse I. Esquibil, OIC-Director Jumar Tablando, OIC-Regional Director Carolina D. Pastrana, OIC-Assistant Regional Director Ray Andrew K. Molano, at iba pang kawani ng DPWH, bilang patunay ng patuloy na pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd). Isinagawa ang aktibidad bilang tugon sa direktiba ng Pangulo at ni Secretary Dizon na tiyakin ang maayos at ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral at g**o.
ππππππππ: Sinampahan ng non-bailable na kasong graft at malversation ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ng St. Timothy Construction Corp. kaugnay ng umanoβy substandard na flood control project sa Brgy. Bulusan, Calumpit, Bulacan.
Magkasamang naghain ng reklamo sina Assistant Ombudsman Mico Clavano at Public Works Secretary Vince Dizon, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mapapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
"Big fish talaga ang mga Discaya. Ang mga Discaya parang mga Napoles 'yan dito sa flood control scam. Talagang malaking isda 'yan. 2016 pa lang, nag-ooperate na sila. Bilyun-bilyong piso ang kanilang ninakaw. At dahil do'n, grabe 'yung mga pagdurusang dinaranas ng mga kababayan natin kagaya ng sa Bulusan," sinabi ni Secretary Dizon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Canlubang Interchange, Brgy. Mayapa
Calamba
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |