NAP2 YOUTH
05/05/2026
Happy Birthday,
Sir Jade Advincula Jabolin 🎂🎉🥳
May your special day be filled with joy, blessings, and success. We pray for more strength and wisdom as you continue your journey in leading and empowering the youth.
16/12/2025
🏀🏐 ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT AT PAGBATI 🏐🏀
Lubos po kaming nagpapasalamat sa matagumpay na Basketball and Volleyball Tournament na ginanap sa Don Jose Homes Phase 2, Banlic. Ang event na ito ay hindi lamang palaro, kundi isang patunay ng pagkakaisa, malasakit, at pagmamahalan sa komunidad.
✨ Pagbati sa lahat ng kalahok at mga nagwagi ✨
Malugod naming binabati ang lahat ng Champion at First Place teams, pati na rin ang mga pinarangalan bilang MVP, Most Improved Player, Darling of the Crowd, Mythical 4 (Basketball – Senior at Mosquito Division), at Mythical 6 (Volleyball).
Ang inyong sipag, dedikasyon, at disiplina sa laro ay nagsilbing inspirasyon sa kabataan at sa buong komunidad. Hindi lamang kayo naglaro para manalo—naglaro kayo nang may puso at respeto. 👏🔥
Isang taos-pusong pasasalamat din kay Kuya Noli Andrew A Medel , ang haligi ng Basketball Tournament. Mula simula hanggang dulo, hindi ninyo pinabayaan ang mga manlalaro. Sa kabila ng hirap sa pag-oorganisa, nanatili ang inyong malasakit at layuning mapasaya ang lahat. Ang inyong dedikasyon sa komunidad ay tunay na kahanga-hanga. 🏀🤍
Gayundin, maraming salamat kay Kuya
Rhoy Alcovendas , ang puso ng Volleyball Tournament para sa girls, kabataan, at mga nanay. Ang inyong dedikasyon ay patunay na ang kababaihan ay may lugar sa kompetisyon, saya, at hamon ng laro. Salamat sa pagbibigay inspirasyon at saya sa pamamagitan ng volleyball. 🏐💪
Isang napakalaking pasasalamat sa aming HOA President ng Phase 2, Tatay Fred Malaborbor Gabashyng Fred Walang liga kung wala kayo.salamat sa pag papaliga para sa mga kabataan at mga magulang at mga pa premyong Ibinigay ninyo ang inyong dedikasyon, commitment, at tunay na leadership ay nagbigay saya at serbisyo sa buong Don Jose Homes Phase 2. Ang inyong malasakit ay ramdam ng bawat isa—kaya saludo po kami sa inyo! Tatay fred🙌🏽❤️
Maraming salamat din kay Kuya Rodolfo Narboneta President ng NAP 2 Officers, na walang sawang tumulong mula umaga hanggang gabi—sa tent, upuan, lamesa, medic, ilaw at kuryente. Ang inyong sakripisyo at sipag ay malaking bahagi ng maayos at matagumpay na paliga. 💡🪑
Hindi rin namin makakalimutan ang dedikasyon ni Jade Advincula Jabolin President ng NAP 2 Youth. Sa kabila ng pag-aaral at pagtuturo, nanatili kang committed sa lahat ng events ng Don Jose Homes Phase 2. Ang iyong leadership at aktibong serbisyo ay inspirasyon sa kabataan. Salamat sa iyong passion at malasakit sa komunidad. 🌟
Isang mainit na pasasalamat sa ating panauhin at future kapitan ng Banlic, ang ating minamahal na Konsehal Sherwin Patiga. Sa kabila ng inyong mga iskedyul, palagi kayong nandiyan upang sumuporta at tumulong sa bawat event ng Phase 2. Maraming salamat po sa inyong oras at malasakit. 🤝
Maraming salamat din po kay Ma’am Malou at Kay Sir Ramil sa inyong pagbisita at tulong sa event. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong suporta. 🌸
At higit sa lahat, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating pinakamamahal na Mayor Ross Rizal araming salamat po sa mga premyo, tropeo, medals, basketball at volleyball nets, at mga bola na inyong ibinigay. Ang inyong dedikasyon at serbisyo ay patunay ng tunay na liderato at malasakit sa mamamayan ng Calamba. 🏆🏀🏐
Maraming salamat din sa Event Committee ng Basketball at Volleyball—Kuya Ruther Tumacole Kuya Kean Jade sa mga kabataan, at sa lahat ng NAP Youth Officers. Hindi magiging posible ang event na ito kung wala ang inyong sipag at pagtutulungan. 👏
Pasasalamat din sa ating Page Editors na sina Vien Camille at Jhaztine Lizondra sa kanilang oras at galing sa pag-edit at pag-update ng ating page. 📱✨
Lubos din naming pinasasalamatan ang ating mga Sponsors:
💖 Ate Bejedor Padrigi Emy and Family
💖 Kuya Ruther Tumacole
💖 Kuya Romnick Mascariñas
💖 Eboy Aquino and Aquino Family
💖 Ramil Rodriguez
At espesyal na pasasalamat kay Michael Joerge Alejo Oliva ng Uno Caleb printing para sa libreng tarpaulin—napakaganda at high-quality! Malaking tulong po ito sa tagumpay ng ating event. 🖨️🎉
💙 Sa lahat ng manlalaro, organizers, sponsors, at supporters—ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat.
Patunay ito na kapag nagkaisa ang komunidad, walang imposible. Hanggang sa susunod na palaro, mas pinalakas, mas pinasaya, at mas pinag-isa ang Don Jose Homes Phase 2!
Maraming salamat at mabuhay tayong lahat! 🙏✨
15/12/2025
✨ CHAMPION: SENIOR DIVISION BASKETBALL TOURNAMENT ✨
December 14, 2025 • A very important moment for TEAM ONE SET!!
We want to say congratulations and express our great pride to the whole team for winning the championship. You showed amazing skill, strong dedication, and great teamwork on the court – it was truly impressive. All the time and hard work you put in has led to this well-deserved win. You’ve proven yourselves to be wonderful champions and great examples for others. 🤝🏀
Click here to claim your Sponsored Listing.