Santa Maria Magdalena de Banlic
24/06/2026
𝐃𝐞𝐛𝐨𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐞𝐧𝐚 𝐭𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬
Halina't manalangin sa tulong ni Santa Maria Magdalena, ang "Apostolorum Apostola" o Apostol sa mga Apostol, na nanatiling tapat na tagasunod ni Hesukristo hanggang sa kamatayan sa krus.
Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami.
13/06/2026
𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟏𝟑 | 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐏𝐚𝐝𝐮𝐚
----------
𝘗𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘢𝘯 𝘈𝘯𝘵𝘰𝘯𝘪𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯
O maluwalhating San Antonio,
lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano,
querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos.
Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon.
Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan,
ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala
at pagpapakumbaba na tulungan mo kami.
Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit
at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin.
Ipinagmamakaamo namin sa iyo,
dahil sa pagsintang naranasan mo
noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig,
na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan.
Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus
ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan
at makapuno ng lugod sa amin.
Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya
noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib,
idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi,
nakikinig sa Kaniyang mga bulong.
Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami,
alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig.
Kung ikaw lamang ay makikita namin,
aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa,
ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin,
mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas.
Ngunit hindi ka namin maaaring makita
kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon.
Kami ay nangangayupapang itinataas
ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo.
At naghihintay na sa pamamagitan mo
ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig
ang aming mga kahilingan.
(𝘉𝘢𝘯𝘨𝘨𝘪𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢𝘯)
O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin
at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo
at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo.
Siya nawa.
San Antonio de Padua, Ipanalangin mo kami.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calamba