The Flame Ang Ningas
18/01/2025
Kidnapped Hopes and Dreams
Yuan-Grace P. Medina
Kidnapping is one of the common crimes experienced in the Philippines. Recently, Barangay Sta. Ana Taytay Rizal has been in the news reported as one of the places that has most kidnapping cases.
There were four reported cases of kidnapping in the same area with a very little time in between. With the kids’ safety on the line, the Municipality heightened their security.
An eight year old girl named Rylai Kaye Barrun went missing for three days from September 16-18, 2024 and later found dead on September 19 inside a sack suffering from stab wounds.
“Wala naman kaming kaaway. Inaamin ko parehas kaming abala sa trabaho ng kanyang ama kaya minsan sya ay napapasama sa kanyang mga kaibigan sa labas at madalas ay ginagabi. Hindi ko inakala na isang araw magiging biktima sya ng isang karumaldumal na krimen.” the mother of the victim emotionally stated in her facebook post.
The girl reportedly joined her peers to play outside during night time. However, they did not notice when she left and just shrugged it off thinking she already went home.
The following day, the parents took the hunt in social media since they are very much worried that their daughter did not come home.
“Mabait na bata ang anak ko, masunurin at masipag mag aral. Napakasakit bilang ama na hindi ko man lang siya na protektahan sa mga masasamang loob. Gumuho po ang mundo namin. Araw-araw ko sinisisi ang sarili ko kung bakit iyon nangyari sa anak ko.” Mr. Barrun stated when interviewed about how he is coping up with his daughter’s loss.
Other missing children are ages 4-11 and have one thing in common; no guardian visible during the kidnapping.
These instances serve as a reminder for parents to always check on their precious children because people with bad intentions are everywhere and just wait for the perfect time to do their crimes.
The suspect in the killing was caught two days after and is serving time in jail. He was identified as one of their neighbors and was suspected to be under the influence of drugs.
“Ipinapangako po namin na mas lalo naming pag-iigitngin ang seguridad dito sa Taytay upang hindi na ito maranasan ng iba pang kabataan. Ipinapangako ko rin na mananagot ang sinumang gumagawa ng karumaldumal na krimen.” Taytay mayor, Allan De Leon said during an interview.
Editorial Cartoonist: Rheanna S. PIlande
18/01/2025
GINTO, nilipad ni Yrech sa Malaysia
ni Anne Bernadette G. Tañola
Nag-uwi ng karangalan si Yrech Joy Cabiara hindi lang sa Rizal, maging sa buong mundo nang masungiit ang ginto sa larangan ng Rhythmic Gymnastics.
Naganap ang laban sa Malaysia noong Setyembre 1, 2024.
“Kinabahan po ako noong una, pero confident naman po ako sa aking performance, at yun nga di po ako nagkamali at naiuwi ko ang gintong medalya”, ani Cabiara, mag-aaral ng Exodus ES.
Pinataob lang naman niya ang mga bansang Thailand, China, Japan, Malaysia at Russia.
Sa kabuuan, naiuwi niya ang isang ginto, isang silver at isang bronze.
Ani coach Amihan R. Fenis, “Her potential in gymnastics is out of the roof because she is determined.
“She is skilled in one leg pivot punchy balance and kick flip”, dagdag pa ng kanyang coach.
Pahayag pa ni Cabiara, “While I was performing I keep a strong mind knowing that I will get gold”.
“I did not let nervousness stop my dreams”, dagdag niya.
Samakatuwid, binahagi ni Ginang Cabiara ang naging journey ng anak.
Ayon sa kanya, nagsimula siya sa rythmic gymanastics noong siya ay walong taong gulang pa lang dahil ang kanyang pinsan ay magaling din sa pivoting.
Nakitaan din umano siya ng potential ni Ma’am Divina, isang coach ng Exodus ES sa Rythmic Gymnastics.
“Simula noon nagsimula na silang magtraining sa paaralan”, saad ni Ginang Cabiara.
Ani naman ni Cabiara, nagsimula siyang lumaban noong panahon ng pandemic ngunit hindi ito naging hadlang na ipagpatuloy ang kanyang pangarap sa gymnastics.
“Mas lalo akong nainspire sa pinsan ko at sa aking sariling pamilya kaya ‘di po ako sumuko”, saad niya.
Labis umano ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang sa walang sawang suporta sa kaniya, maging sa mga coaches na umalalay sa kaniya at nagtiyagang magturo, at higit sa lahat sa Panginoon na Siyang naging gabay niya sa lahat ng laban.
Anya, “Buuin ninyo ang inyong pangarap at pagsikapan na matuto dahil alam ko kung kaya ko mas kakayanin nyo pa po", payo niya sa mga nangarap din maging gymnast.
18/01/2025
Makabagong Agham: EES inilunsad, SIP
ni Rham Daniel T. Blanco
Inilunsad ng Exodus Elementary Exodus (EES) ang Science Investigatory Project (SIP) na nilahukan mula ikalima hanggang ika-anim na baitang kaugnay ng selebrasyon ng Science Month.
Naglaban-laban ang mga kalahok noong Oktubre 1, 2024 na kung saan iisa-isang ipinakita ang kanilang inobasyon.
Nakasaad sa School Memorandum, ang Science Month ay hindi lang isang selebrasyon kundi pagpapakita ng talento at kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa inobasyon ang pagdiskobre na may temang “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan.”
Ayon kay Ma’am Marjury Tagudando, Science Coordinator ng paaralan, mayroong 7 grupo na sumali sa buong kompetisyon.
“May mga hurado na nagtatanong at nakikinig sa mga presentasyon ng mga kompetitor.”, saad niya.
“Ilan sa mga itinanghal ang paggamit ng Calcium carbide na nanguna sa patimpalak na nilahukan ng nasa ika-anim na baitang na sina Rham, Enzo at Harry”, dagdag pa niya.
Ayon sa talaan ng mga nanalo, sinundan ito ng nasa ikalimang baitang na sina Jasmin, Shane at Yuan na isang electric buzzer.
Nasa pangatlo naman ng talaan ang isang pang grupo ng mag-aaral sa ika-anim na isang sa energy generator gamit ang zonrox.
Ani pa Ma’am Tagudando, makakatulong itong inobasyon upang maipakita ng mga bata ang angking talento sa larangan ng agham.
18/01/2025
‘Nakasentro sig**o ang magiging plano ko for next year sa pagsasaayos ng ating basura,’ – Mayor Elen Nieto
ni Queen Jazmin S. Tagudando
Nagbigay ng mensahe ang alkalde ng Cainta na si Mayor Ellen Nieto tungkol sa kanyang mga plano sa bayan sa susunod na taon.
Makikita sa mga online post ng mayora ang pagpapaigting ng wastong pagtatapon ng mga basura.
“So nandoon pa rin tayo sa kalinisan”, saad niya.
Subalit, hindi lang nakatuon dito ang mga programa, plano pa niya ang pagpapalawak ng serbisyo sa mga taxpayers using the online and digital platform, ani Mayor Elen.
“We will try to build online service para ‘di na mahihirapan”, ani niya.
Paiigtingin din umano niya ang education, whether it is formal education or informal.
Saad niya, sa formal education tutulong sa mga pampublikong paaralan tulad ng libreng gamit para sa mga mag-aaral, free college, at higit sa lahat ay allowance.
Samantala sa informal education naman ay ang mga skills na gustong tahaking trabaho ng mga Cainteños tulad ng baking skills, bar tending, dressmaking at marami pang iba, dagdag ng mayora.
“Ang mga programang ito ay tutulong sa mga mamayan na mapaunlad ang kanilang bayang sinasagisag para na din ito sa ikabubuti ng Cainta”, ani pa niya.
Dagdag pa niya, layunin nito ang kabuuang pag-asenso ng mamamayan dito sa Cainta at alam natin na ang susi sa magandang buhay ay ang edukasyon.
15/01/2025
Inner Wheel Club of Rizal Sunrise donates hand-washing area
Rheanna S. Pilande
The Inner Wheel Club of Rizal Sunrise donates hand washing area to Exodus Elementary School. It’s ribbon cutting and turn over ceremony was held on September 23, 2024.
The said club is spearheaded by their President Maam Luz Sulit, supported by the District Chairman Maam Lorie Villame together with their members. Architect Boy Sulit was the one who designed the area while the construction started last September 9, 2024.
A short program was held during the turn over where Ma’am Nemia Paz, a grade one teacher hosted the ceremony. Dr. Melanie J. Mesa, Principal of Exodus ES and Maam Diane T. Tacleon, Assistant Principal, are both present in support of the program.
The ribbon cutting was led by Maam Melanie together with the District Chairman and other members of the organization. Everyone smiles from ear to ear knowing that the donation will be of great help to the school, most especially the students.
As part of the program, students from Grades one and two demonstrated the correct way of hand washing together with the members of IWCRS while singing ‘Happy Birthday”, a popular way of measuring the correct time limit when hand washing.
According to Department of Health (DOH), proper hand washing prevents the spread of germs that cause diseases.
Inner Wheel Sunrise of Rizal was originally born out of the group’s desire to make a difference by helping. It all started when they called themselves “sunrisers” since they do zumba every morning.
Their close bonding blossomed into real friendship and later on found their purpose through community outreach projects.
Exodus Elementary School is one of the many organizations they helped and the school is very grateful that the club was able to consider the well-being of the learners.
In the future, IWCRS plan to continue giving back to the community by helping more people.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cainta
1900