SportsRepublik PH

SportsRepublik PH

Share

11/07/2026

"Big body. Can play in and out."

Ganyan inilarawan ni Ginebra coach Tim Cone ang bagong import ng Ginebra.

May impresibong record si Rily Grigsby bilang collegiate player nang maglaro siya sa US NCAA Division 1 para sa Seattle University Red Hawks.

After college dinala niya ang kanyang talento sa Luxemburg, pagkuwa'y sa NBA G-League para sa Sta. Cruz Warriors at sa Sioux Falls Skyforce.

Maganda ang rekomendasyon ng mga dating coach ni Riley Grigsby sa kanya, and after checking his background, nagdesisyon si Tim na 'he is the one.' Siya ang papalit kay Justin Brownlee bilang import ng Ginebra sa Season-ending conference.

Mahalaga kay Tim Cone ang work ethic ng isang player na noon ay nakita rin niya kay Justin Brownlee. Isang player na 'coachable' and ready to do what his coaches want him to do inside the playing court.

Busy nang nakikipag-ensayo si Grigsby sa Ginebra.

Mabibinyagan sa apoy ang California native new Ginebra reinfocement on July 19 kung saan unang makakasukatang lakas ng Gin Kings ang koponan ng Phoenix. Kagabi, tinalo ng Fuel Masters ang Magnolia sa pangunguna ng kanilang import na si BJ Johnson na nagtala ng double-double 34 and 15.

30 years old si Johnson, while Grigsby is 26. NBA veteran ang Phoenix import, while Ginebra reinforcement has NBA G-league experience.

Ano sa palagay n'yo mga, ka-SRP (SportsRepublik PH)? Nakakita na kaya ang Ginebra ng susunod sa yapak ni Justin Brownlee?

09/07/2026

Brownlee hinahanapan na ng kapalit na import. May nagrerekomenda kay Myles Powell.

Want your business to be the top-listed Media Company in Cainta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Cainta