PSPG RPSPU 13

PSPG RPSPU 13

Share

29/05/2026
28/05/2026

May 28, 2026
Gospel: Mark 10:46-52
Reflection: “Persistent Faith, Transforming Grace”

27/05/2026

PULIS, MABILIS UMALALAY SA BATANG NAHIMATAY SA KALSADA

Muling pinatunayan ng mga tauhan ng Philippine National Police ang malasakit at mabilis na pagtugon matapos agad na tulungan ng mga pulis ng Cabangan Municipal Police Station ang isang batang babae na nahimatay sa gilid ng kalsada sa Brgy. Sto. Niño, Cabangan, Zambales noong umaga ng Mayo 23, 2026.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng checkpoint operation sina PSMS Jerome Layda at PSSg Mamerson Borja nang mapansin nila ang batang nawalan ng malay. Agad nila itong nilapitan, isinakay sa mobile patrol car, at dinala sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng agarang atensyong medikal.

Sa kasalukuyan, ligtas na at nasa mabuti nang kalagayan ang bata at nakauwi na sa kanilang tahanan.

Pinuri naman ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mabilis na aksyon ng mga pulis.

“Ipinakita ng ating mga kapulisan sa Cabangan na ang malasakit at pagiging handang tumulong ay bahagi ng sinumpaang tungkulin ng bawat pulis,” ani PGen Nartatez.

Dagdag pa ng Chief PNP, “Sa mga simpleng pagkakataon na tulad nito mas lalong nararamdaman ng publiko na may pulis na maaasahan. Patuloy nating palalakasin ang serbisyong may puso at malasakit para sa bawat Pilipino.”

Patuloy na isinusulong ng PNP ang mga programang nakatuon sa makatao at maagap na paglilingkod sa ilalim ng adbokasiyang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Butuan City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Butuan City