Bulacan Provincial Library

Bulacan Provincial Library

Share

Photos from Bulacan Provincial Library's post 02/06/2026

BULACANIANA PROGRAM-MOHON: Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan Online Tampok

Q

Queri, Mariano

Tampok sa araw na ito si Mariano Queri. Mason, manghihimagsik at kasapi ng Kongreso ng Malolos bilang kinatawan ng Ambos, Camarines. Isinilang noong ika-27 ng Hunyo 1862 sa Malolos, Bulacan. Naging kaanib ng Malayang Mason sa Pilipinas na itinatag ni Pedro Serrano Laktaw noong 1892. Itinalagang direktor ng Gen. Arms ni Heneral Emilio Aguinaldo sa ilalim ng Department of War. Matagumpay na nakihamok sa mga labanan sa Baliuag, Bulacan hanggang San Isidro, Nueva Ecija noong Mayo 1899. Kasama sina Heneral Antonio Luna at Koronel Jose Torres Bugallon, pinangunahan nila ang pakikipaglaban sa La Loma noong ika- 05 ng Pebrero 1899. Naglingkod bilang tagasuri ng aklat-talaan ng Perokaril mula 1918 hanggang 1930. Ikinasal kay Gregoria Tecson ng San Miguel, Bulacan noong 1905. Binawian ng buhay noong ika-05 ng Setyembre 1942.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN na isinulat ni Jaime Salvador Corpuz ay naglalaman ng tala ng mga tubo ng Bulacan o di-kaya mga โ€œangking anak o adopted sonโ€ tulad ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kasama rin sa aklat ang mga indibidwal kung saan ang mga magulang ay tubo ng Bulacan at mga indibidwal na lumaki at nanirahan ng matagal sa Bulacan tulad ng Haponesang asawa ni Mariano Ponce na si Kiyo San o Okiyo Udangawa. Ang aklat ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na biographical dictionary sa Ingles.
Ito ay mayroong mga apendiks, mga indeks at bibliograpiya at binubuo ng 207 na pahina.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN ONLINE TAMPOK isa sa mahalagang bahagi ng inobatibong programa ng Bulacan Provincial Library (BPL) na Bulacaniana Program sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO). Layunin nito na magmulat at magbigay kaalaman sa mga dakilang anak ng Bulacan bawat araw na nakapaloob sa aklat na ito sa pamamagitan ng online na pagtatampok.

Photos from BULACAN History and Heritage's post 01/06/2026
Photos from Bulacan Provincial Library's post 28/05/2026

BULACANIANA PROGRAM-MOHON: Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan Online Tampok

P

Principe, Domingo A.

Tampok sa araw na ito si Domingo A. Principe. Artista at direktor sa pelikula, radyo at entablado. Isinilang noong ika-03 ng Agosto 1912 sa Bocaue, Bulacan. Anak nina Jacinto Principe, isang musikero, at Ciriaca Alcaraz. Nagtapos ng hayskul sa Torres High School sa Tondo, Maynila at kursong abogasya sa Far Eastern University. Lumabas sa mga pelikulang Dalaga (1931), Satanas at Mang Tano Nuno ng mga Aswang (1932), Awit ng Pag-ibig (1935), Taong Demonyo, Sanga-sangang Dila at ang Nang Magulo ang Maynila (1937), Hatol ng Mataas na Langit at Kalapating Puti (1938), Inang Pulot (1939), Alaalang Banal, Maginoong Takas at Rosa Birhen (1940), Orasang Ginto, Aawitan Kita, Barong- barong at Tomadachi Zona (1946), Sekretang Hongkong (1947), Kung Sakali't Man Salat (1949), Huling Konsiyerto (1951), at ang Hindi Kami Laos (1962). Sumulat at nagdirek sa iba't ibang programang pangradyo noong dekada 50.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN na isinulat ni Jaime Salvador Corpuz ay naglalaman ng tala ng mga tubo ng Bulacan o di-kaya mga โ€œangking anak o adopted sonโ€ tulad ni Heneral Emilio Aguinaldo. Kasama rin sa aklat ang mga indibidwal kung saan ang mga magulang ay tubo ng Bulacan at mga indibidwal na lumaki at nanirahan ng matagal sa Bulacan tulad ng Haponesang asawa ni Mariano Ponce na si Kiyo San o Okiyo Udangawa. Ang aklat ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na biographical dictionary sa Ingles.
Ito ay mayroong mga apendiks, mga indeks at bibliograpiya at binubuo ng 207 na pahina.

Ang MOHON: MGA BULAKENYONG BIYAYA NG KASAYSAYAN ONLINE TAMPOK isa sa mahalagang bahagi ng inobatibong programa ng Bulacan Provincial Library (BPL) na Bulacaniana Program sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO). Layunin nito na magmulat at magbigay kaalaman sa mga dakilang anak ng Bulacan bawat araw na nakapaloob sa aklat na ito sa pamamagitan ng online na pagtatampok.

28/05/2026

๐๐๐‹ ๐…๐‹๐€๐•๐Ž๐‘ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡: ๐…๐ž๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž๐ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ
BPL Clients of the Day

26 May 2026

Ilan sa mga kliyente ng Bulacan Provincial Library ngayong araw mula sa iba't ibang paaralan sa Bulacan.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Provincial Capitol Compound Malolos
Bulacan
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm