Kim Lemuel Seño
18/07/2026
Maraming leadership meetings ang nagtatapos sa, “Ang ganda ng training.”
Na-inspire ang mga leaders.
Maraming notes.
Maraming “Amen.”
Maraming nagsabing,
“Ito ang kailangan nating marinig.”
Pero pagdating ng susunod na linggo…
Pareho pa rin ang ministry.
Pareho pa rin ang leadership.
Pareho pa rin ang culture.
Pareho pa rin ang mga behavior na dati nang nagpapahina sa gawain.
At dito tayo kailangang maging tapat.
Hindi sukatan ng matagumpay na leadership training kung gaano ito nagustuhan.
Ang tunay na sukatan ay kung gaano ito naipamuhay.
Ang Salita ng Diyos ay hindi ibinigay para hangaan.
Ito ay ibinigay para sundin.
Ang vision ay hindi nabubuhay sa notes.
Nabubuhay ito sa obedience.
Bilang mga pastor at ministry leaders, hindi lang tayo tinawag na magturo.
Tinawag tayong magbantay sa kawan.
Ibig sabihin, hindi tayo titigil sa pag-preach lang.
Patuloy tayong:
* nagpapaalala,
* nagmo-model,
* nagtutuwid,
* nagpapalakas ng loob,
* at nagpapatibay ng mga pamantayang itinuro ng Salita ng Diyos.
📖 “But be ye doers of the word, and not hearers only…” — James 1:22 (KJV)
Ang preaching ay nagtatanim ng katotohanan.
Ang pastoral leadership ang tumutulong para mamunga ito.
Kaya huwag nating sukatin ang tagumpay ng isang training sa dami ng pumalakpak.
Sukatin natin ito sa dami ng mga buhay na nagbago, mga leaders na sumunod, at mga ministries na naging mas tapat sa tawag ng Diyos.
Dahil sa huli…
Hindi binabago ng Diyos ang simbahan sa pamamagitan ng magagandang sessions.
Binabago Niya ang simbahan sa pamamagitan ng mga leaders na patuloy na isinasabuhay at ipinapatupad ang Kanyang Salita.
📸vijnmmpage
— Pastor Kim 🔥
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Boac