Team H
02/12/2022
Habang nagbabayad kami ng groceries kanina nakakita siya ng waffles.
iana: Mommy can we buy waffles?
me: No, ang mahal mahal niyan.
Tapos nakabayad na kami. Habang nagiintay ng sundo bumili kami ng tinapay sa bakery.
iana: mommy kakainin ko na yung tinapay.
Me: sige
iana: ang sarap mommy
me: You know it only costs 3 pesos (spanish bread)
iana: (lumaki ang mata) MURA na MASARAP PA!
Me: napatawa.. ano yan commercial? ð
Enova's bakery beke nemen ðð
12/11/2022
Convo with iana nung isang gabi.
iana: Mommy anong pangarap mo?
me: Pangarap kong makatapos kayo sa pagaaral.
iana: Dapat mommy may insurance ka kasi kung ma (tegi sign sa leeg) ka makakapagaral parin kami.
*hindi niya kasi masabi na kung mamatay ako kaya sign na lang ðĪĢ*
me: *shookt* san mo naman nakuha yan?
iana: sa spongebob
After a while sabi ko.. Wag kang magalala anak. Insured na si mommy kasi love ko kayo. ð
Sa isip ko din, may natutunan din naman pala sa spongebob ih.. hindi lang puro " Worksz at Kruzsty Krabb" may financial literacy din ðĪŠ
Napapaisip na lang din ako minsan kung 6 years old lang ba talaga itong batang ito. ð
15/07/2022
Ang pagiging magulang ay talagang napakahirap. Dumadaan tayo sa point na pag napagsabihan mo ang anak mo eh may guilt ka after. Pero kailangan eh. Yan yung tinatawag nating "tough love". Sa paglaki nila, dun nila malalaman ang dahilan sa mga pagdidisiplina natin.
Isa sa mga realization ko din yan ngayon na magulang na din ako. Ngayon ko naiisip na ah... kaya pala ganon ang mga magulang ko noon.
Click here to claim your Sponsored Listing.