TeamCOMETS
07/07/2026
Upak agad si James sa kanyang sulat at tila binigyan tayo ng isang "mission impossible." Sa verse 2, sinabi niya: "Kapag dumarating ang iba't ibang pagsubok sa inyong buhay, ituring ninyo itong pagkakataon para sa malaking kagalakan."
Parang gusto nating sabihin, "Lord, sigurado po ba? Baka typo lang?" ๐
Dahil ang natural nating reaksyon kapag may problema ay umiwas, magreklamo, o magtanong, "Bakit ako na naman?" "Si ano nalang Lord, pagod na ako eh."
Alam nating lahat na puno ng pagsubok ang mundong ito. Pero ang itinuturo ng mundo ay, "Kapag marami kang pera, maganda ang trabaho, at komportable ang buhay, wala ka nang magiging problema." Ang totoo, kahit nasa five-star hotel ka, puwede pa ring may problema sa puso, pamilya, o kaluluwa.
Iba ang pananaw ni James. Sinasabi niya na lumalago ang ating pananampalataya kapag ito ay sinusubok. Hindi tayo nagiging matatag sa puro "blessings only." Ang tibay ng pananampalataya ay nabubuo sa gitna ng luha, paghihintay, at pagtitiwala sa Diyos.
Parang atleta lang. Walang nagiging champion sa kakapanood lang ng workout videos habang may hawak na milktea at chichirya. ๐ Ang lakas at endurance ay bunga ng paulit-ulit na ensayo, pagod, at pagpupursige.
Ganoon din ang ating espirituwal na buhay. Ang mga pagsubok ay hindi laging parusa; kadalasan, ito ang gym ng Diyos kung saan pinalalakas Niya ang ating pananampalataya upang tayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
Paano binabago ng katotohanang ito ang pananaw mo sa mga pagsubok? Tinitingnan mo ba ang mga ito bilang hadlang lamang, o bilang pagkakataong hubugin ka ng Diyos para sa mas dakilang layunin?
Upak lang. Mahal tayo ng Diyos. Yan ang tunay na hindi magbabago. ๐ช
04/07/2026
"Ang pinakamapanganib na araw ay hindi ang araw na bumagsak ka. Kundi ang araw na tumigil kang maniwala sa sarili mong kakayanan, dahil doon nagsisimulang mamatay ang mga pangarap."
Hindi araw-araw malakas ang loob. Hindi araw-araw panalo. May mga araw na dudurugin ka ng kabiguan, ng pagkakamali, ng panghuhusga ng tao, at ng sarili mong mga pagdududa. Pero isang bagay ang huwag mong kailanman bibitawan. Ang tiwala sa sarili na inilagay ng Diyos sa puso mo.
Napakahalaga na huwag kang mawalan ng bilib at tiwala sa sarili. Ginawa ka ng Diyos na natatangi. May layunin ang buhay mo. Maubos man ang pera, mawala ang posisyon, iwan ka ng tao, o magkamali ka nang paulit-ulitโingatan mo ang paniniwalang kaya mong bumangon sa tulong ng Diyos.
Tandaan mo, ang una mong Believer ay ang Panginoon. Siya ang unang nakakita ng potensyal mo. Siya ang unang tumawag sa'yo. Siya ang unang nagsabing may magandang plano Siya para sa buhay mo.
Mapahiya ka man. Matalo ka man. Umiyak ka man. Hindi ka kailanman tinigilan ng Diyos na mahalin at paniwalaan. Habang ang iba ay nagdududa, si Lord ang patuloy na nagsasabing, "Anak, lumaban ka lang. Kasama mo Ako."
Kaya upak lang! Punasan ang luha. Itaas ang noo. Lakasan ang loob. Hindi pa tapos ang laban. Hindi pa tapos ang kuwento na sinusulat ng Diyos sa buhay mo.
"For we are God's workmanship, created in Christ Jesus for good works, which God prepared beforehand, that we should walk in them." - Ephesians 2:10 (ESV)
Kung ang Diyos mismo ang naniniwala sa'yo, bakit ka susuko? Bumangon. Lumaban. At ipakita sa mundo ang kayang gawin ng isang taong nagtitiwala sa Diyos at hindi sumusuko sa sarili. ๐ฅ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.