The Polytechnician

The Polytechnician

Share

Photos from The Polytechnician's post 03/07/2026

π—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦: Pinaigting ng Bataan Peninsula State University (BPSU) at Aurora State College of Technology (ASCOT) ang ugnayan nito sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding (MOU) at Benchmarking Activity ngayong ika-3 ng Hulyo, sa BPSU-Orani Campus.

Layunin nito na maisulong ang kolaborasyon sa fish processing, pananaliksik, at pakikipagpalitan ng best practices sa pagitan ng dalawang institusyon, partikular sa Smoked Fish Processing Technology.

---

Ulat at Larawang Kuha ni Zach Angelo T. Ocampo

21/06/2026

π—Ÿπ—œπ—§π—˜π—₯𝗔π—₯π—œ: π™‰π™–π™£π™œ 𝙇π™ͺπ™’π™žπ™₯𝙖𝙨 π™–π™£π™œ π˜Ώπ™–π™₯π™žπ™©-𝙝𝙖π™₯𝙀𝙣

Itong tagubilin ang aking iniwan,
sa iyo lamang pinagkatiwala.
Sa tahimik na umagang ito,
aking puso'y nagsasalita.

Sa ilalim ng punong may lilim,
ako'y payapang nakaupo.
Habang sumasayaw ang hangin,
ikaw ang laman ng puso.

Naalala ko pa ang mga araw,
na abot-kamay pa ang mundo mo.
Ang maliliit mong hakbang noon,
ay ngayon malalayo na.

Hindi ko namalayang lumipas,
ang napakaraming panahon.
Ang batang nasa tabi ko noon,
ay handa nang maglakbay.

Kaya may nais akong iwan,
na higit pa sa kayamanan.
Dahil ang buhay ay hindi laging,
kasing payapa ng paligid.

Kapag nadapa ka, bumangon ka.
Kapag napagod ka, magpahinga.
At kapag natakot ka sa bukas,
huwag mong kalilimutan ito.

Piliin mong maging mabuti,
kahit walang nakakakita.
Sapagkat ang kabutihan mo,
ang tunay mong pagkakakilanlan.

May mga araw na malulungkot,
at may gabing mabibigat.
Ngunit huwag mong hahayaang,
lamunin ka ng pagdududa.

At kung dumating ang araw,
na gusto mo akong makausap,
bumalik ka lamang dito,
sa ilalim ng punong ito.
Tahimik kang maupo sandali,
at pakinggan ang hangin.
Dahil dito ko palaging,
iiwan ang aking pagmamahal.

Ngunit may isang bagay, anak,
na hindi ko pa nasasabi.
Ang tagpong ito na iniisip mo,
ay alaala mo na lamang pala.

Sapagkat ang amang kausap mo ngayon,
ay hindi na nakaupo sa ilalim ng puno.
Matagal na akong namamahinga,
at ang liham na ito ang natagpuan mo.

---

Tula ni Zach Angelo T. Ocampo
Larawang Kuha at Paglalapat ni Stephanie Heart V. Guillen

Want your business to be the top-listed Media Company in Bataan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Brgy. Bayan, Orani
Bataan
2112