Trending Now

Trending Now

Share

21/11/2025

“Kung may utos, trabaho ko ‘yan.”

Sinabi ni dating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na handa niyang arestuhin ang dating hepe niyang si Senator Ronald “Bato” dela Rosa kung may opisyal na utos — kahit pa ito ay magmula sa International Criminal Court (ICC).

Giit ni Torre, mula simula ng kanyang serbisyo, utos ang batayan ng trabaho niya, at bilang isang “professional police officer,” susundin niya ang anumang pormal na direktiba. Dagdag niya, ang huling utos na natanggap niya ay ang pagtanggal sa kanya sa puwesto, ngunit kapag may panibagong kautusan, tutuparin niya ito. ‎

21/11/2025

“AKO ANG MAGTATAPOS” - MARCOS JR. IPINAPAARESTO SI ZALDY CO

Tiniyak ni Pangulong Marcos Junior na tuluy-tuloy ang aksyon ng pamahalaan para papanagutin ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, na ngayo’y umabot na sa paglalabas ng warrants of arrest laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at 17 pang opisyal mula sa DPWH at Sunwest.

“Asahan po ninyo na wala pong tigil itong aming ginagawa. At kahit na parang napakatagal ang dumaan na panahon, ako’y nagpapasalamat sa pasensiya ng ating mga kababayan.”

Ayon sa Pangulo, nagsisimula nang makita ang mga bunga ng mga ginagawang hakbang laban sa mga opisyal na umano’y nagkamal ng kickback at nagmaniobra ng pondo sa ilalim ng flood control program.

“May warrant of arrest na laban kay Zaldy Co at 17 iba pa mula sa DPWH at Sunwest Corporation. Kaya’t sa ating law enforcement agencies, huwag na nating patagalin pa. Arestuhin na ninyo sila. Siguraduhin maisagawa ito nang mabilis at tama. Gumugulong na ang hustisya.”

Ang anunsyo ay naganap sa kabila ng mainit na kontrobersyal na rebelasyon ni Zaldy Co, na ibinulgar na may ₱100 bilyong insertion umano sa 2025 budget si Marcos Junior—na mabilis namang itinanggi ng Malacañang.

Sa Senado, ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na totoo ang ₱100B insertion, ngunit hindi raw totoo ang sinasabing kickback , at na-misrepresent lamang ang Pangulo. ‎

21/11/2025

ICC JUDGMENT DAY!

The ICC Appeals Chamber is expected to release its decision on former President Rodrigo Roa Duterte’s appeal regarding his alleged continued detention in The Hague on November 28, 2025, at 5:30 p.m. (Philippine time).

According to reports, Duterte’s camp is challenging the earlier ruling of Pre-Trial Chamber I, which denied their request for temporary release.

📸: ICC ‎

Want your business to be the top-listed Media Company in Baras?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Baras