Arayat Updates
19/11/2025
ARAYAT UPDATE!
PAALALA SA PUBLIKO
Pinapaalalahanan ang lahat na inaasahan ang malalakas na ulan at hangin simula alas-8:00 ng gabi ngayong araw dahil sa paparating na sama ng panahon.
Hinihiling namin sa mga negosyo at pribadong establisimyento na isara nang mas maaga upang makauwi nang ligtas ang kanilang mga empleyado. Kung hindi ito posible, tiyakin na may ligtas na masisilungan ang inyong mga tauhan sa loob ng inyong gusali.
Ang lahat ng Arayateño ay pinapayuhang manatili na sa loob ng kanilang mga tahanan simula alas-6:00 ng gabi, maliban na lamang kung kinakailangan lumabas.
Ang lahat ng Barangay Hall ay dapat na may mga tauhang nakaantabay upang agad makapagbigay ng tulong kung kinakailangan.
Maging alerto, mahinahon, at magtulungan tayong lahat.
Ingat po tayong lahat, mga Arayateño.
SOURCE: Malayang Bayan ng Arayat
Touch down mahal kong Pilipinas! Muling nag babalik!
Mag ingat po tayong lahat sa Bagyong UWAN!
30/07/2025
30/07/2025
Arayat Update:
BENTENG BIGAS, MERON NA SA ARAYAT
P20 RICE PROGRAM PARA SA 1,000 NA ARAYATEÑOS
Sa tulong ng programang "Benteng Bigas Meron Na" (P20 Rice Program), nakabili ng bigas sa halagang P20 kada kilo ang 1,000 benepisyaryo sa ating Bayan.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan nina Gov. Lilia "Nanay" Pineda, Vice Gov. Dennis "Delta" Pineda. Provincial Agriculture Office, Provincial PESO at Provincial Treasurer's Office sa pakikipagugnayan ni Mayor Jeffrey M. Luriz.
Hatid ng PESO Arayat ang serbisyong may malasakit, para sa mas abot-kayang buhay ng bawat Arayateño.
SOURCE: Malayang Bayan ng Arayat
📷Mayor Jeff Luriz
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Arayat
2012