Team PORTZ

Team PORTZ

Share

23/05/2026

Dagat is life. πŸ˜…

Photos from Team PORTZ's post 20/05/2026

"HINDING HINDI PA HULI ANG LAHAT"... πŸ’ͺπŸ’ͺ🏼πŸ₯°

WARNING, LONG POST!!! (Eto ung kwento)

2017 nung una akong mag take ng boards, mejo windang ako nun dahil kaka grad ko nga lang at nabuntis agad ako kay Yuno. Walang review, puro stock knowledge lang baon ko. Mejo masakit nung wala pangalan mo sa list, pero okay lang mas exited ako sa papalabas na baby.

So un nga, dumating na si yuno, syempre happy at exited sa bagong phase ng buhay mo.

Kinalimutan muna ung pag exam at ginugol ung oras sa binubuong pamilya.

2019 nung dumating nman si Dea, gnun parin mas lalong nabusy sa buhay dahil nga dalawa na silang maliiit. Di na muna inasikaso ung Leris account, di ko na alam kung kelan applyan para sa exam, pati TOR ko di ko na ata nasilip. Haha πŸ˜‚

2020, eto ang masaklap "Pandemic" lahat ng bagay feeling ko uncertain. Dagdag pa dito nung mabuntis din ako kay Tres, ay talaga nman! Kinalimutan ko nang mag exam. Nakuntento ako kung anong meron kami.

2021, nung nakabalik sa abroad c hubby at nag start ako ng business. Sa madaling salita andun yung comfort at kinalimutan uli mag exam.

2022 nag lay off ang company ni hubby (dahil sa 2nd wave na Omicron virus) at isa sya sa napasama dahil nga wala pa syang 1 year. Dito na mejo nag worry nako,
Tyempo nman at applyan ng para sa september boards. So ayun hinalungkat ko uli mga credentials at papers ko baka sakali buo pa at di pa dinaga. πŸ˜‚πŸ˜…

Goods nman at nakapag exam ako, yung nga lang sobrang daming iniisip, sobrang uncertian sa future, lumalaki na 3 kids, alam mo ung worries ko lagpas ulo. At eto pa bonus, wala pang review. Hehe

So ayun, ano pa nga bang aasahan mo, eh di sobrang sakit dahil nung pag labas ng result eh wla pa rin pangalan mo.

2023 tuloy lang sa buhay, wlang kasiguraduhan dahil ung business na lang nag ssustain samin. Nagsasabay sabay nang mag aral ung tatlo, alam mo ung nag aalala ka na araw araw? Genern!

2024 naglakas loob ako na wat if mag try uli ako mag exam? So nireresy ko na sarili ko,minomotivate ko na loob ko. Sya naman ang timing ng pagka buntis ko kay Jade. Ang sama tlga ng loob ko, hnd dun sa baby ah, dun sa ready kana sana tpos pinigilan ka?yun ang nakakaiyak.

Ang nangyari,cancel ko nlng exam at focus sa pagbubuntis uli.

2025 lumabas na c jade, yung 3 nag aaral na. Yung worries at uncertainty palala ng palala. Napaisip ako dpat may gawin na ako, di pwdbg araw2 akong ganto.

2026 nag decide na akong mag apply para sa May exams, nabuo nang loob ko, mag eexam ako! Kahit obvious ung distractions dahil sa dami ng iiniicp.
Tinuloy ko mag apply kahit nawalan nako ng slot sa pinaka malapit na PRC.
Cge tuloy lang at di parin sususko.

May 12, 2026 habang pauwi kami ni hubby, biglang tumawag ate ko.
"Ngit, congratulations....(Napatigil kami ni hubby at gumilid) Congrats, nasa listahan ka naaa!!

Ang sagot ko, "hindi nga,totoo??"
Sabi nya "Oo nga tignan nyo"
So dali daling nag bukas si hubby ng phone at sinearch.

Nanlamig ako nung makita ko pangalan ko, gusto ko sabihin baka hindi nman ako yan. Unti unti nakong napaiyak at ang nasabi ko nlng

"Ate, teacher na ko, pareho na tayong tatlo!"

Alam mo ung pakiramdam ko may bagong pag asa,

Pakiramdam na lahat ng worries at uncertainty sa isang iglap nawala.

Yung inaasam asam mo 10 yrs ago binigay na sayo.

Kaya thankful ako kay God, akala ko di na sasagutin mga prayers ko

Yun pala 2 lng tinuro sakin, magtiwala ka at matutong mag antay.
Yung pg ooverthink sa mga bagay2 ibigay mo na sa KANYA πŸ‘†πŸ‘†πŸ‘† ai God na bahala nyan bastat gawin mo lang ipinapagawa nya at the moment, pata mawala worries mo.

At the end, ibibigay nya rin pinapangarap mo, atep by step nga lang. At sa bawat step ng buhay mo dpat my learning ka.

Congratulations sa lahat ng LPT's πŸ˜…πŸ₯³πŸ₯³πŸ€©

At sa mga hands on mommies na tulad ko na feeling stuck sa buhay at nawawalan na ng pag asa.

Believe me mga mi, ibigay nyo lahat ng burdens nyo kay God iggrant nya rin prayers nyo. Godbless at ituloy mo lang!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Antipolo
1870