Project BATYO
24/10/2024
United Nations Day 2024
United Nations Day reminds us of the importance of global unity, cooperation, and peace. Celebrated annually on October 24th, this day marks the establishment of the UN in 1945 and its mission to foster international harmony. Together, we can create a better future through dialogue, development, and diplomacy. Letβs honor the values of human rights, sustainability, and global solidarity that the UN stands for.
Today, we celebrate the spirit of cooperation and understanding that unites us all. Through unity, we find strength in diversity.
Happy United Nations Day!
22/10/2024
8 billion people β 1 planet
Protecting depends on our ability to unite and take transformative action to tackle the biggest challenges facing humanity.
World leaders will gather for the Summit of the Future in 2 weeks: https://bit.ly/SotF2024
26/08/2024
π πππππ¨ππ¨πππ‘π π£ππ πππ‘π¦ππ‘π ππ₯ππͺ π‘π π ππ πππ¬ππ‘π!
Gugunitain ang Pambansang Araw ng mga Bayani (National Heroes Day) ngayong araw, 26 Agosto 2024, sa Libingan ng mga Bayani sa Lungsod ng Taguig. Ang tema ngayong taon ay "Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago."
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang seremonya ng pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa Puntod ng Di-Kilalang Sundalo (Tomb of the Unknown Soldier). Sasamahan siya ng mga opisyal at kawani mula sa pambansa at lokal na tanggapan.
Nagsimulang gunitain ang mga bayaning Pilipino noong 1898 nang gawing pista opisyal ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang 30 Disyembre upang maging araw ng pagluluksa para kay Jose Rizal at sa mga makabayang Pilipino na namatay sa pakikibaka laban sa mga Espanyol. Itinuring din bilang araw para sa mga bayani ang anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio nang maging pista opisyal ito sa bisa ng Batas Blg. 2946 (16 Pebrero 1921).
Nagkaroon lamang ng hiwalay na Pambansang Araw ng mga Bayani sa bisa ng Batas Blg. 3827 (28 Oktubre 1931). Inilagay ito sa huling Linggo ng Agosto, tila upang masaklaw ang Unang Sigaw at Unang Labanan ng Himagsikan sa dulo ng Agosto 1896.
Gayunman, ipinagpatuloy ang paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Nobyembre hanggang 1952, nang isang lupon para rito ang nilikha sa pamamagitan ng Kautusang Administratibo Blg. 190 (11 Agosto 1952). Sa bisa ng Batas ng Republika Blg. 9492 (24 Hulyo 2007), inilipat sa huling Lunes ng Agosto ang paggunita.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan na nilikha ng Proklamasyon Blg. 339 (16 Pebrero 2012) ay nakaangkla sa paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Angeles City
2009