Looc Rural Health Unit
29/05/2026
Mas pinalalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan ng Looc, Occidental Mindoro sa pamamagitan ng pagpapatupad ng PuroKalusugan. 💙
Layunin ng programang ito na mas mapalakas ang pangangalaga sa kalusugan sa bawat purok sa pamamagitan ng mas maagang konsultasyon, health education, disease prevention, at mas mabilis na pag-abot ng serbisyong medikal sa komunidad. Bahagi ito ng Universal Health Care (UHC) Act at ng 8-Point Action Agenda ng Department of Health (Philippines).
Kasama ang bawat barangay at mamamayan, patuloy nating itataguyod ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na Looc para sa lahat.
RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla. 🏝️
29/05/2026
Patuloy ang agarang aksyon at mahigpit na koordinasyon ng RHU Looc kasama ang PDOHO, PHO at LGU para sa Ambil Tabao.
Isinasagawa ang kaukulang surveillance, monitoring, health education, at kinakailangang intervention upang mapanatiling ligtas ang komunidad.
Patuloy po nating pairalin ang pakikiisa, maagap na pagreport, at pagsunod sa mga payong pangkalusugan para sa kapakanan ng lahat.
Ifollow ang aming page : Looc Rural Health Unit para sa iba pang mga anunsiyo at aktibidad.
RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla. 🏝️
20/05/2026
Stigma and discrimination remain barriers to HIV testing, treatment, and care.
We can all help end HIV stigma by choosing compassion, learning the facts, and speaking up against discrimination.
18/05/2026
📣Anunsyo mula sa Looc RHU
Para sa agarang tulong medikal, makipag-ugnayan sa Looc RHU Emergency Hotline. Nandito kami para sa inyo, anumang oras.
RHU Looc: Serbisyong Medikal, Hatid sa Bawat Isla.
‼️6 SA 10 PINOY, AYAW UMINOM NG HYPERTENSION MAINTENANCE; DOH, NAGBABALA SA PANGANIB NITO‼️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Occidental Mindoro
5111
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |